Bukas pa rin para sa mga biyahero na magmumula sa National Capital Region (NCR) at iba pang lalawigan ang bayan ng Cuyo, base sa resolusyon na inilabas ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) nito.

Ayon kay Mayor Mark Delos Reyes, sa MIATF Resolution No. 1 na inilabas at naging epektibo noong Enero 12 at magtatagal hanggang Enero 31, walang paghihigpit sa mga biyahero na magmumula sa mga nabanggit na lugar. Dagdag niya, kailangan lamang na sundin ang mga umiiral na patakaran sa bayan.

“Ang measure na ito ay upang mapanatiling safe ang ating bayan. Kailangan lang nilang i-accomplish ang lahat ng requirements natin,” pahayag ni Delos Reyes.

Ngunot sa ilalim ng resolusyon ng MIATF na sinang ayunan ng Regional IATF noong Enero 11, hindi papayagang pumasok sa bayan ang mga edad 12 pataas na wala pang bakuna.

- Advertisement -

Para naman sa mga fully vaccinated na indibidwal, kailangan ng coordination permit, S-Pass registration, at negative result ng RT-PCR test.

Ang mga partially vaccinated ay kailangang sumailalim sa pitong araw na home o kaya ay facility quarantine, depende sa description na ibibigay ng barangay.

Ang mga returning overseas Filipinos (ROFs) naman ay kailangang magpakita rin ng quarantine certificate mula sa Bureau of Quarantine (BOQ), samantalang ang mga authorized persons outside residence (APOR) ay kailangan ng travel order, vaccination card, at LGU acceptance.

Ang mga residente naman ng Cuyo na lalabas patungong lungsod ng Puerto Princesa City at sa ibang munisipyo sa lalawigan ay kailangang mag-rehistro sa S-Pass para sa kanilang travel coordination permit mula sa point of origin, accomplished Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) form, at kailangan ding magdala ng identification cards na posibleng kakailanganin habang nasa biyahe.

Paliwanag ni Delos Reyes, ginawa ang hakbang na ito upang patuloy na mapag-ingat ang Cuyo sa banta ng COVID-19 at maiwasan ang pagpasok ng Omicron variant.

Samantala, hinihikayat din ni Delos Reyes na magpabakuna ang mga mamamayan ng Cuyo na hindi pa nakapagbakuna upang maproteksyunan ang kanilang sarili laban sa COVID-19.

Ang mga nais magpabakuna ay maaring magtungo sa mga vaccination sites na itinalaga ng Municipal Health Office (MHO) sa bawat barangay.

Previous articleLight rains over Visayas, Occidental Mindoro, and Palawan due to amihan
Next articleAgriculture office ng San Vicente, tiniyak na sapat ang supply ng pagkain matapos ang bagyo
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.