Tapos na ang mas pinatibay at mas pinaganda na Cuyo Airport Passenger Terminal at inihahanda na rin ang pagpapasinaya nito upang magamit na ng mga pasahero.

Ang nasabing proyekto ay nilaanan ng pondo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng halagang P19.7 milyon noong Oktubre 2018.

Ang Cuyo Airport ay matatagpuan sa Bgy. Lucbuan, Magsaysay, Palawan. Bagama’t sa Bayan ng Magsaysay nakatayo ang nasabing paliparan ay kinikilala ito ng CAAP bilang Cuyo Airport dahil ito ang rehistrado sa nasabing ahensiya.

Ang Cuyo Airport ay nahiwalay sa Bayan ng Cuyo nang maitatag ang Bayan ng Magsaysay na naging dahilan ng pagkakahati ng isla ng Cuyo sa dalawang munisipyo.

Pansamantala namang naantala ang pagko-kongkreto ng runway ng Cuyo Aiport dahil sa COVID-19. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

 

About Post Author

Previous articleWorkout in Style with Surplus
Next articleRTN donates computer sets for blended learning in Bataraza