Kinumpirma ni Dr. Faye Erica Labrador, OIC- Provincial Health Officer (PHO) sa ‘Alerto Palaweno’ online press briefing kanina na 13 mula sa 21 munisipyo sa lalawigan ng Palawan ang mayroong aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ulat ni Labrador, nakapagtala ng pinakamataas na aktibong kaso as of May 5, 2021 ang bayan ng Culion na may 50, kung saan may naitala ring death nito lamang April.

Sinusundan ito ng Brooke’s Point na may 37 active cases, at El Nido na may 20.

Sa kabuoan, 147 ang naitatalang aktibong kaso sa 13 mga bayan na kinabibilangan ng Aborlan-5, Agutaya-1, Bataraza-6, Busuanga-7, Coron-2, Cuyo-1, Narra-4, Quezon-3, Roxas-4, Sofronio Espanola-7, idagdag pa ang tatlong nabanggit na may mga matataas na kaso ng sakit.

“Continue po ang ating case finding, everytime na mayroon tayong mga cases na nakukuha, continue ang ating contact tracing, as well as ang ating monitoring sa kanila, lahat po sila ay nasa facility lalo na ang Brooke’s Point at Culion na nandoon po ang ating level 1 and 2 na hospital, mayroong naka-admit sa kanila with moderate cases.

Nilinaw ng opisyal na sa mga nabanggit na bilang ng kaso ay wala namang naiulat na nasa kritikal na kondisyon at karamihan sa mga ito ay asymptomatic at mayroong mild symptoms.

“Wala namang nai-report na nasa critical case, mayroong admitted pero hindi naman marami-karamihan ay mild at asypmtomatic na nasa kani-kaniyang quarantine facilities,” ani Labrador.

May mga nakahanay pang resulta ng RT-PCR ang nakatakdang ilabas ngayong araw kung kaya posible pang madagdagan ang bilang ng mga positibo kaso.

Sinabi ni Labrador na sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan, inportante na ma-identify kaagad ang active cases at mailagay sa quarantine facility ang mga ito.

Araw-araw din aniya ang pakikipag-ugnayan ng Provincial Epidemiologic Surveillance Unit (PESU) sa bawat munisipyo upang agad matukoy ang kaso at magkaroon ng proper contact tracing.

“Sa LGU naman everyday din na nagrereport sa ating Provincial Department of Health (DOH) at PHO kung saan nag-u-update sila sa kanilang munisipyo,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Labrador na patuloy namang nakakapag-suplay ng antigen kits ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa mga munisipyo kapag nangangailangan ng tulong ang mga munisipyo.

Samantala, bumili ang provincial government ng mga tents na para sa 14 na provincial hospitals sa Palawan, kung saan lalagyan ito ng tig tatlong tents kada ospital.

Previous articleSuspek sa pagnanakaw sa Dumarao arestado ng pulisya
Next article20 deaths due to COVID-19 as of May 5 in Puerto Princesa City