Nasa 89 na barangay health workers, job order employees, at contract service employees ang nairehistro na sa PhilHealth sa bayan ng Culion sa ilalim ng programang pagpapalakas ng suporta sa pangkalusugan.

Nangyari ang group enrollment program noong unang linggo ng Enero, ayon kay Mayor Virginia de Vera ng Culion.

Bunga nito, maaari ng makinabang ang mga nairehistro sa comprehensive benefit packages ng PhilHealth base sa kanilang pangangailangan, ayon sa kanya.

Aniya, layon nitong mabigyan ng pribilehiyo ang mga kawani sa programa ng PhilHealth upang maka-avail ng iba’t ibang health benefits, kabilang dito ang pag-sagot na agad ng kanilang monthly contribution na wala na silang babayaran pa.

“Nilaanan ng kaukulang pondo ang pagpapamiyembro para sa ating mga kasamahan sa gobyerno at ang pagbabayad ng kanilang monthly contribution ay magiging libre at sagot ng pamahalaang lokal,” ayon pa kay De Vera.

Dagdag ni De Vera, ang health program ay isa sa mga programang tinututukan sa ilalim ng kanyang administrasyon upang magkaroon ng maayos na serbisyo ang LGU sa mga mamamayan. Pahayag niya, kabilang na dito ang pagpapalakas at pagpapaganda ng health condition sa kanyang bayan katuwang ang Municipal Health Office (MHO).

Naniniwala rin ang alkalde na malaki ang tulong ng mga BHWs sa mga barangay upang maihatid ang mga health programs na nagmumula sa munisipyo at sa nasyonal.

About Post Author

Previous articleCSC Region 4 recognizes PPCWD on human resource management
Next articleAstronaut performs Pinoy student’s zero-gravity experiment proposal in Int’l Space Station
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.