ODIONGAN, Romblon—Dumating sa probinsya ng Romblon ang luxury cruise ship na Silver Shadow ng Silversea Cruises matapos matigil ang pagdating ng mga cruise ship sa probinsya dahil sa Covid-19 pandemic.

Sakay ng cruise ship na ito ang aabot sa 330 na guests mula sa iba’t ibang bansa.

Inaasahang bibisitahin nila ang mga sikat na beach sa bayan ng Romblon, Romblon kagaya ng Tiamban Beach at Bonbon Beach.

Tutulak rin ang mga turista sa Romblon Marble Shopping Center sa Poblacion bago bumalik ng barko.

Galing ng Kalangaman Island sa Leyte at Tagbilaran sa Bohol ang barko bago tumungo sa Romblon ngayong February 12. Sa Manila ito dadaong mula February 13 hanggang 14.

Ayon sa Department of Tourism Mimaropa, 41 cruise ships ang inaasahang bibista sa rehiyon ng Mimaropa ngayong taon kung saan sakay ang halos 34,000 na pasahero. (PJF/PIA Mimaropa)