Jan 24, 2021

COVID-19 Vaccination Council, binuo sa Puerto Princesa City

Ito ay sa pamamagitan ng Executive Order No. 1, series of 2021 na ipinalabas ni mayor Lucilo Bayron kamakailan na pangungunahan ni Dr. Ricardo Panganiban, hepe ng City Health Office (CHO) na siyang tatayong taga-pangulo.

Pinulong ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa ang bumubuo ng nilikhang COVID-19 Vaccination Council at sa ilalim nito ay bumuo ng apat na komite na siyang tututok sa pagbili, pagsasagawa ng babakuna, at pagtukoy ng mga nararapat na bigyang prayoridad na mabakunahan. | Larawan mula sa Mayor's Office of Puerto Princesa City Facebook page.

 

Binuo sa lungsod ng Puerto Princesa ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Vaccination Council (CDVC) para sa pinaplanong pagbili ng bakuna laban sa nasabing sakit.

Ito ay sa pamamagitan ng Executive Order No. 1, series of 2021 na ipinalabas ni mayor Lucilo Bayron kamakailan na pangungunahan ni Dr. Ricardo Panganiban, hepe ng City Health Office (CHO) na siyang tatayong taga-pangulo.

Layon nito na makabuo ng mga hakbangin kung papaano ang magiging takbo ng programang pagbili ng bakuna at ang mismong pagbabakuna sa lungsod.

Sa pulong na ipinatawag ni Bayron, kaakibat ng nilikhang konseho ang pagbuo ng apat na komite, partikular na ang research and education, na siyang magsasaliksik kung ano ang dapat na bakunang gagamitin; procurement committee, na siyang magpa-plano kung papaano ang magiging sistema ng pagbili ng bakuna; vaccination and monitoring committee, siyang mangunguna sa gagawing COVID-19 vaccination program; at vaccine prioritization committee, ito naman ang tutukoy ng mga nararapat na unahing mabigyan ng bakuna.

Samantala, sinabi ni Bayron na sa mga nilikhang komite, katuwang na ng LGU ang pribadong sektor pangkalusugan o mga doktor sa lungsod katulad na lamang ng komite ng pananaliksik na pinangungunahan ni Dr. Adelito Posas ng Palawan Medical Society (PMS), at prioritization na pinamumunuan naman ni Dr. Paul Saludez na siyang pangulo ng PMS.

Samantala, bibigyang prayoridad ng LGU na mabigyan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga health personnel at iba pang essential frontliner tulad ng mga sundalo at pulis.

Sa ilalim ng programa, kasama rin sa listahan ng mga uunahing mabakunahan ang mga matatanda at may sakit na kinakailangan ng proteksyon laban sa COVID-19. (PIAMIMAROPA).

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry