Ang bagong terminal building sa Punta Baja na pormal ng pinasinayaan noong May 4,2021

Pormal na pinasinayaan ang isang bagong covered building sa public terminal sa bayan ng Rizal noong May 4.

Ang nasabing terminal building ay pinondohan ng lokal na pamahalaan ng humigit kumulang P1 milyon na nagmula sa 20 percent development fund ng lokal na pamahalaan sa taong 2020.

Sa panayam ng Palawan News kay municipal engineer Rodel Lobaton nitong Huwebes, Mayo 13, sinabi niyang  itinayo ang gusali sa terminal area sa Barangay Punta Baja para sa kapakinabangan ng mga pampublikong sasakyan at mga pasahero nito.

Ayon pa sa kanya, may iba pang proyektong nakatakdang ipagawa ang lokal na pamahalaan na ilalagay sa terminal katulad ng mga upuan na magagamit din ng mga pasahero kung saan, isinasaayos na lamang ang pondo para dito.

“Ang covered terminal building na ito ay isa lamang sa mga nai-prayoridad ng LGU natin para sa kapakinabangan ng mga pasahero maging ng mga nasa transportation sector,” aniya.

Previous articleDurian Park bubuksan ngayong araw sa Brooke’s Point
Next articleKoleksyon ng Narra economic enterprise, apektado ng COVID-19 restrictions
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.