Nov 30, 2020

Contract tracers, itinalaga para sa Rizal

Bawat isa sa 11 barangay ng Rizal ay tinalagahan ng isang contact tracer upang tumulong sa mga frontliner sa pagpapatupad ng mga health protocol at information drives para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Image from Sangguniang Bayan ng Rizal, Palawan

RIZAL, Palawan — Nakakatuwang na ng Municipal Inter-Agency Task Force sa bayan na ito ang 13 contact tracers na itinalaga ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa rehiyon para sa coronavirus disease (COVID-19) enforcing protocols and monitoring.

Bawat isa sa 11 barangay ng Rizal ay tinalagahan ng isang contact tracer upang tumulong sa mga frontliner sa pagpapatupad ng mga health protocol at information drives para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa panayam ng Palawan News, araw ng Martes, sa team leader ng contact tracers na si Rudolph Saliente, sinabi nito na katuwang na muna sila ng MITF sa mga ibat-ibang gawain nito sa pagpapalaganap ng mga impormasyon kontra COVID-29.

Ito ay dahil wala pa namang naitatalang positibong kaso sa Rizal para magsagawa ng contact tracing bilang kanilang pangunahing trabaho.

“So far, katuwang kami ng MITF sa mga information drive sa mga barangay, pagpapalaganap ng mga impormasyon, mga health protocol, and advisory sa mga kababayan natin sa Rizal dahil wala pa naman tayong naitatalang positibo,” sabi ni Saliente.

“13 tracers kami lahat, kasama na ako bilang team leader at isa namang secretary ang na-i-deplo ng DILG MIMAROPA dito sa bayan ng Rizal. Lahat ng barangay ay nagtalaga ng tag-iisang tracer, at katulong sila ngayon ng mga barangay natin,” dagdag niya.

Nagpakita naman ng buong suporta ang municipal council ng Rizal sa 13 contact tracers.

Ito ay matapos silang mag-courtesy call sa session ng municipal council noong October 27.

“Marapat lamang na magkaroon sila ng matibay na komunikasyon — ang grupo na ito [contact tracers] sa ating MITF upanh mas higit na maayos ang kanilang misyon, ayon naman kay Kgd. Arvin Fuentes.

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry