Oct 22, 2020

Contact tracers, kailangan pa ng Brooke’s Point

Ayon kay Coralyn Atienza, ang DILG officer ng LGU Brooke’s Point, 22 slots ang nakalaan sa bayan ng Brooke’s Point maliban pa sa iba’t-ibang bayan sa buong MIMAROPA.

Patuloy ang pagtanggap ng mga aplikante para maging contact tracer ng mga COVID positive patient sa bayan ng Brooke’s Point ang pamunuan ng Department of Interior Local Government (DILG) sa MIMAROPA.

Ayon kay Coralyn Atienza, ang DILG officer ng Brooke’s Point, 22 slots ang nakalaan sa bayan maliban pa sa iba’t-ibang bayan sa buong MIMAROPA.

Nagkakahalaga umano ng P18,784 ang sasahurin ng mga mapapalad na mapiling aplikante kada buwan na kukunin sa bayanihan grants ng lokal na pamahalaan.

 

“Nilaanan ng pondo mula sa bayanihan grants ang bawat contact tracer at sa Brooke’s Point ay 22 slots ang nakalaan para sa mga interesadong aplikante maliban pa sa kanilang travel allowance at load allowance,” ayon kay Atienza.

Prayoridad ang mga aplikante na may Bachelor’s Degree na may kaugnayan sa medical course o criminology dahil sa  kakayahan sa pakikipag-ugnayan at pagkuha ng impormasyon sa mga ito.

Sinabi rin ni Atienza na hanggang September 22, 2020, lamang ang deadline na ibinigay sa pagsumete ng mga kinakailangan na dokumento ng mga aplikante.

“September 22, 2020, ang deadline para sa mga applicant kaya sana ay maihabol nila ang kanilang mga dokumento specially the letter of intent,” dagdag pa ni Atienza.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry