(Photo from Google Maps)

Isang construction worker ang nagtamo ng mga sugat sa mukha at ibang bahagi ng katawan matapos maaksidente ang motorsiklo na minamaneho nito dahil sa hindi napansin na nagkalat na langis sa national highway sa Sitio Caraniogan, Barangay Malinao, Narra, bandang 11:30 nang gabi noong September 28.

Ang biktima ay kinilala sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPPO) na si Jake Alcobilla, 27, residente ng Brgy. Antipuluan sa natura din na bayan. Wala diumano itong lisensya at wala daw umanong OR/CR itong dala. 

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa lugar na pinangyarihan ng aksidente, binabagtas ni Alcobilla ang national highway sa Malinao mula sa south patungo sa north na direksyon, ngunit nang marating nito ang Caraniogan ay hindi nito napansin ang nagkalat na langis sa gitna ng kalsada.

Ang biktima sa aksidente na si Jake Alcobilla, 27, (kanang larawan) na dinala sa Narra Municipal Hospital noong September 28. Nasa kaliwang larawan naman ang kanyang motorsiklo at ang langis na dahilan nang pagkadulas kaya nangyari ang aksidente.

Bilang resulta, nawalan diumano ito nang kontrol sa motorsiklo na nadulas dahil sa langis. Agad itong dinala ng Narra Emergency Response Unit (NERU) sa Narra Municipal Hospital (NMH) para magamot.

- Advertisement -

Previous articleRCBC, first to join global greenhouse gas accounting partnership
Next articlePension ng 277 indigent senior citizens sa Araceli at Dumaran ipinagkaloob ng PSWDO
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.