Arestado ang isang construction worker dito sa Puerto Princesa City kahapon, Marso 20, matapos isilbi sa kanya ng awtoridad ang warrant para sa kasong murder.

Sa police report na inilabas ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa pamamagitan ni P/Lt. Col. Alonso Tabi, kinilala ang suspek bilang si Dante Pineda Reyes, alyas Badboy, 58, residente ng Barangay Iwahig. Nangyari ang pag-aresto pasado alas dose ng tanghali sa Brgy. Irawan.

Ang warrant para siya ay arestuhin ay ibinaba noong Hulyo 30, 2021, ni Judge Leah delos Reyes Baguyo ng Branch 48 ng Palawan Regional Trial Court (RTC).

Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kustodiya siya ng Police Station 2 (PS 2).

- Advertisement -

Previous articleLANDBANK delivers P569-M fuel subsidy for PUV drivers
Next articlePolitically speaking
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.