No Images found.

Construction worker patay sa pananaksak dahil sa alitan sa lighter

Ang construction worker na si Ronel Macemap, 23 anyos,na biktima ng pananasaksak. | Photo by PS 1

Patay ang isang construction worker matapos saksakin ng kanyang kaibigan sa ikatlong palapag ng ginagawang gusali na kanilang pinagtatrabahuhan sa Delos Reyes Road 1 sa Barangay San Pedro, Puerto Princesa City, 12:15 ng hating gabi nitong Miyerkules, March 24.

Kinilala ang biktima na si Ronel Macemap, 23 anyos, samantalang ang suspek ay pinangalanan na si Roy Laspinas, 21, kapwa mula sa bayan ng Aborlan.

Ang biktima na natagpuang patay sa construction site sa Delos Reyes Road sa Barangay San Pedro, Puerto Princesa City. | Photo by PS 1

Nagtamo ng tama ng saksak sa kaliwang dibdib si Macemap na naging sanhi ng kamatayan nito.

Sa imbestigasyon ng barangay tanod ng San Pedro ay nalaman na nag-iinuman ang dalawa nang magkainitan ng dahil sa lighter.

“Hiniram ng biktima ang lighter sa suspek na sinasabing may sentimental value daw dahil bigay ng magulang nito sa kanya. Hindi naibalik ng suspek dahil na-misplace niya ito,” pahayag ni chief tanod Marlon Arias.

Samantala, agad ding naaresto ng mga tanod ang suspek at isinalin sa pangangalaga ng Police Station 1 (PS-1) upang isailalim sa inquest proceedings para sampahan ng kasong murder.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry