Isang lalaki ang patay matapos na pagsasaksakin ng kainuman nito sa loob ng Palawan State University (PSU) main campus sa Barangay Tiniguiban, 11:45 ng gabi noong Sabado, March 6.

Ang biktima ay kinilalang si Jay-ar Condrado Alcaide, samantalang ang suspek naman ay kinilalang si  Jhon Vincent Fernandez. Ang dalawa ay magkasamang nagtatrabaho bilang construction workers at parehong residente ng Barangay Plaridel, Aborlan

Ayon kay P/Maj. Alevic Rentino, hepe ng Police Station 2 (PS 2) katatanggap lang ng dalawa ng kanilang sahod kaya nagkayayaang mag-inuman sa kanilang barracks. Dagdag niya, binu-bully umano ng biktima ang suspek na naging dahilan ng pananaksak nito gamit ang kutsilyo na may 10 pulgada.

“Mga nakainom na sila, binu-bully daw niya ‘yong suspek. Ang sabi raw, mga pandak wala ‘yan, wala yang mga waray na yan,” pahayag ni Rentino.

Inaresto ng mga security guard ng PSU ang suspek, na ngayon ay nasa kustodiya na ng PS 2 at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa kasong pagpatay.

- Advertisement -

Previous articleWeather bureau monitoring LPA outside PAR
Next articleRTNMC donates RBI facility to Sarong school
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.