Oct 1, 2020

Construction worker, patay matapos makuryente sa El Nido

Sa spot report mula kay Police Executive Master Sargeant Aida Mahinay, municipal executive senior police officer ng El Nido police station, kinilala ang biktima na si Alex de Jesus Plaza, laborer ng Ivy Michelle Construction at residente ng Barangay San Nicolas, Linapacan.

EL NIDO, Palawan — Dead on arrival sa pagamutan ang isang 35 anyos na laborer matapos aksidenteng makuryente Martes ng hapon sa Barangay Masagana.

Sa spot report mula kay Police Executive Master Sargeant Aida Mahinay, municipal executive senior police officer ng El Nido police station, kinilala ang biktima na si Alex de Jesus Plaza, laborer ng Ivy Michelle Construction at residente ng Barangay San Nicolas, Linapacan.

Ayon sa report, pumunta si Plaza sa pipeline drainage construction site sa Masagana para i-drain ang kanal na napuno ng tubig dahil sa malakas na pag-ulan. Habang nag-i-install ng water pump ay biglang na-switch on ito ng kanyang kasamahan na naging dahilan ng kanyang pagka-kuryente.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry