Sep 28, 2020

Construction worker patay matapos makuryente sa El Nido

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Rolando Sumayo Montaño, 30, na nagtatrabaho sa bayan ng El Nido at residente naman ng Barangay Apurawan, Aborlan.

Patay ang isang construction worker matapos itong makuryente habang inaangat ang kable na iniiwasang sumabit sa tumatakbong backhoe, Lunes ng hapon, sa Sitio Lamoro, Brgy Pasadeña, El Nido.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Rolando Sumayo Montaño, 30, na nagtatrabaho sa bayan ng El Nido at residente naman ng Barangay Apurawan, Aborlan.

Ayon sa Palawan Provincial Police Office, nakuryente si Montaño habang inaangat ang distribution line ng PALECO upang maiwasang sumabit ang kargang backhoe ng sinasakyan niyang self loading truck na nagbibiyahe mula New Ibajay patungong Villa Libertad.

Sinikap na maidala sa ospital ang biktima ngunit nawalan din ito ng buhay pagdating doon.

Sa panayam naman ng Palawan News kay P/Maj. Salvador Tabi, hepe ng El Nido Municipal Police Station (MPS) kaniyang sinabi na aksidente lamang ang nangyari at walang maituturong may sala at nagpaabot na ng tulong ang kompanyang pinagtatrabahuan ng biktima.

“Tumatakbo yong sasakyan tapos merong wire na kailangang iangat para hindi sumabit sa sasakyan, inaangat nga at ‘yan ang nakakuryente sa kaniya,” aniya ni Tabi.

“Inasikaso na rin agad ng may-ari ng kompanya na pinagtatrabahuan niya actually wala namang may fault diyan, kasi siya mismo ‘yong nagtulak ng wire pataas para hindi sumabit ‘yong sasakyan kaya lamg siguro may nahawakan siyang may kuryente,” dagdag ni Tabi.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry