Maswerteng nakaligtas sa pagkalunod ang isang lalaki matapos itong sagipin sa Brgy. Cabayugan ng mga personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) Sabang Station, noong bisperas ng pasko, December 24.

Kinilala ang ang lalaki na si Van Misal, construction worker sa isang establisyemento sa nasabing lugar. Ayon sa PCG, malalaki at malakas ang alon, sabayan diumano ng nakainom ang biktima kasama ng mga kaibigan at katrabaho.

“Dalawa sila, pero pagdating namin sa lugar nakaahon na ang isa. Siya na lang ang naiwan,” ayon sa PCG.

Dahil sa sama ng panahon ay naging pahirapan umano ang pag-rescue dito na umabot nang hanggang 15 minuto.

Agad din itong  isinugod sa satellite clinic ng Brgy. Cabayugan para malapatan ng paunang lunas. Sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang biktima.

About Post Author

Previous articleSitel Palawan joins Paskuhan sa Kapitolyo
Next articleChimney oil, grease caused Ribshack fire
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.