Sinimulan na ngayong ikatlong linggo ng buwan ng Setyembre ang construction ng magiging bagong gusali ng Cuyo Municipal Disasters Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na itinatayo sa Barangay Lungsod.
Ang gusali na itinatayo ng isang pribadong kontraktor na nagkakahalaga nang mahigit P8.5 million ay pinondohan mula sa savings ng lokal na pamahalaan mula sa 2020 supplemental budget at inaasahang matatapos sa unang quarter ng taong 2022.
Ayon kay Mayor Mark delos Reyes, matapos na isagawa ang groundbreaking noong unang linggo ng buwan at maigawad ng Bids and Awards Committee sa cotractor ang proyekto ay agad sinimulan ang construction.
“Hoping na this sa quarter of 2022 tapos na yan, pero depende rin minsan sa weather condition. Bagong warehouse ito ng MDRRMO at may mga opisina rin sa loob at pwedeng mag-insert, katulad ng MSWDO,” pahayag ni Delos Reyes, lunes, September 27.
Dagdag niya, ang dating gusali ng MDRRMO ay maari pa ring gamitin para sa ibang transaction nito.
