Photo courtesy of Richard Ligad.

Tatlong kabataan ang nahuling gumagamit ng solvent at nakuhanan pa ng condom noong Lunes ng hapon matapos mamataan ng Anti-Crime Task Force (ACTF) na nakatambay malapit sa isang creek sa Malvar Street, Barangay Mandaragat.

Ayon kay Richard Ligad, ang hepe ng ACTF, nahuli nila ang mga bata na gumagamit ng solvent sa nasabing lugar habang tumatambay. Ipinasa nila ang kustodiya ng mga ito sa Police Station 1.

“‘Yon kasing area na ‘yan once na nating nakitang tinatambayan ng mga kabataan so, binababa natin ‘yan dahil nakawilihan na nilang tambayan. Ayon naabutan itong mga kabataang ito, na may solvent na dala, at nakakalungkot kasi may babae pa naman sa kanila. Bukod doon bumungad din sa atin ang mga condom na dala nila,” sabi ni Ligad.

Ilan sa mga ito ay nag-aaral at meron din sa kanilang out-of-school-youth. Ipinaalam naman din ng ACTF sa eskwelahan ang nangyari upang ma-inform ang mga namumuno sa gawain ng mga bata.

Samantala, patuloy naman na ipa-momonitor ng ACTF ang mga lugar pa na posibleng pagtambayan ng mga menor de edad.

 

About Post Author

Previous articleNew facilities sought for Puerto Princesa City Jail
Next articleEl Nido’s revenue code stirs mixed reactions
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.