- Advertisement by Google -

Lumapit sa Palawan News ang isang concerned citizen na si John Erick Fuentes upang humingi ng tulong para sa kanyang pinsan na may sakit na lupus.

Ayon sa kanya, na-diagnose sa mayroong nasabing sakit ang kanyang pinsan na si Jazel Mae Fuentes at sinubukan nila itong dalhin sa pagamutan, ngunit hindi sila tinanggap dahil na rin sa kakulangan sa pera.

“Para po sa kanyang sakit, siya po ay nirequest na i-admit sa ACE Hospital pero sa kasamaang palad ay di pa siya naa-admit dahil sa kadahilanang walang sapat na financial. Kaya po lumalapit kami sa inyong tanggapan para manawagan sa mga taong may kakayanan para tumulong,” ayon sa mensaheng ipinabaabot ni Fuentes sa Palawan News.

“Kahit magkano po ay tatanggapin po namin na kapag naipon po ay malaking tulong po para sa pinsan ko. Maraming salamat po.” dagdag pa nito.

- Advertisement -

Sa mga nais magpaabot ng tulong, narito ang Gcash account niya: John Erick Fuentes 09668039244

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleWESCOM’s Col. Cabanlet is Metrobank Foundation Outstanding Filipino awardee
Next articlePolice roundup: Dalawa arestado sa magkahiwalay na operasyon ng PNP PPO