Ang mga tablets na ipinahiram sa mga estudyante para gamitin sa ilalim ng blended learning scheme

RIZAL, Palawan — Nagsimaula na ang pamamahagi ng Dr. Jose P. Rizal National High School (JPRNHS) sa mga Grade 10 students ng tinatayang 235 tablets mula sa Department of Education (DepED) ngayong buwan ng Marso.

Ang nasabing mga tablets ay ipinahiram sa mga estudyante para gamitin sa ilalim ng blended learning scheme dahil pa rin sa pandemyang dulot ng COVID-19 ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay Tarhata Adges, principal ng JPRNHS, nitong araw ng Lunes, Marso 15, dumating sa kanilang paaralan ang mga gadgets mula sa DepEd MIMAROPA Regional Office na nakatakdang ipamahagi sa mga estudyante sa ikalawang linggo ng Marso.

Unang naibigay ang 60 units sa dalawang section ng Grade 10 na personal na tinanggap ng mga estudyante at sinundan ng isang orientation kasama ang kanilang mga magulang para sa tamang paggamit at pangangalaga nito.

Ipinalaala rin sa mga estudyante na ang ang tablets ay ipinahiram lamang sa kanila at ibabalik sa buwan ng July pagkatapos ng kanilang 4th grading kung kaya’t dapat nila itong ingatan dahil ipapagamit din ito sa mga susunod na Grade 10.

“Ang programang ito ng DepEd ay sa ilalim po ng Learning Continuity Plan natin na may magamit sila sa pagda-download ng kanilang mga topics online. Malaking tulong ito sa kanila para mapabilis ang kanilang pagaaral,” pahayag ni Adges.

“Umaasa tayo na this week ay maipamahagi na natin sa lahat ng section natin ang natitira pang tablets. Mensahe namin sa mga magulang nila na ingatan ito dahil gagamitin pa ito ng mga susunod na estudyante,” dagdag niya.

Nagpasalamat din si Adges sa DepEd sa pagpili sa JPRNHS sa lalawigan ng Palawan para maging isa sa mga recipients ng programang ito para sa mabilis na pag-aaral ng mga estudyante sa gitna ng pandemya.

Previous articleDecency in Discourse, Charity in Truth
Next articleBill creating energy research institute gets final House nod
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.