Umabot sa 300 assorted food packs ang ipinamahagi ng pinagsanib na puwersa ng 53rd Marine Company (53rd MC) ng Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3), City Mobile Force Company (CMFC), Puerto Princesa City Police Office, at Coast Guard Sub-station Sabang (CGSS-Sabang), katuwang ang ilang pribadong sektor, sa mga mamamayan ng Barangay Cabayugan sa Lungsod ng Puerto Princesa noong araw ng Huwebes, Mayo 20.


Ang aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng pinag-isang Community Outreach Program na Damayan sa Kapwa ng MBLT-3 at Barangayanihan Ayuda ng PNP, na may layuning maipaabot sa mga mamamayan sa kanayunan ang serbisyo ng pamahalaan.
 
“Ito ay bahagi ng ating mga community outreach programs na naglalayong buhayin ang bayanihan sa bawat komunidad,” pahayag ni Cpt. Dennis Sadlay, Civil Military Operations (CMO) officer ng MBLT-3.
 
“Nagpasalamat ang mga mamamayan (ng Cabayugan) dahil naabot sila ng tulong mula sa sama-samang pagtutulungan ng law enforcement agancies, lokal na pamahalaan ng barangay at ilang private sectors,” sabi ni Sadlay.

Previous articleBayan ng Aborlan patuloy sa paghihigpit sa border nito
Next articleLiminangcong sa Taytay, nakatanggap ng ayuda
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.