Commercial fishing boat, nahuli sa loob ng municipal waters ng Linapacan

Pansamantalang naka-hold ang bangka ng mga mangingisda sa Linapacan.

Labing-anim na mangingisda ang inaresto ng mga operatiba ng Linapacan Municipal Police Station (MPS) sa Malobotlobot Island, Barangay Maroyogroyog sa bayan ng Linapacan madaling-araw ng Biyernes, April 9.

Ang mga mangingisdang nagmula sa Navotas City at sakay ng bangkang may kapasidad na labing dalawang tonelada ay kinilalang sina Porferio Calmonte Cabilte, 56, Boat Captain; Rolando Mession Montemor, 43, Chief Engineer; Orlando Rollete Sumagang, 24, chief mate; Warel Boraron Camansi, 45, oiler; Jhoso Seliscial Mayagma, 50, master; at mga crew na sina Dionisio Canto Jagarap, 30; Alliersyn Ursal Yangan, 33; Eric Salgado Arnez, 36; Juan Mashwar Ngoho, 35; Alejandro Pradello Mahinay, 53; Joel Cabalres Tolorio, 36; Roel Dejesus Selvio, 51; Dilmarte Dublin Pereresas, 25; Almer Matora Ursal, 29; Roberto Jugarapy Caldo, 55; at Porferio Venas Galanza, 58.

Sa ulat ng Linapacan MPS, huli sa akto ang mga ito na nangingisda sa karagatang sakop ng Linapacan, na ipinagbabawal ayon na din sa Ordinance No. 2020-137 ng nasabing Munisipyo.

“Sa ordinance kasi, 15 kilometers sa last point ng island ng Linapacan bawal pumasok ang mga commercial fishing boat, dahil nawawalan naman ng mahuhuli ang mga maliliit na maangingisdang residente ng Linapacan,” pahayag ni P/Lt. Alan delos Santos.

Agad namang pipnalaya ang labing-anim na mgangingisda ngunit pansamantalang naka-hold naman ang kanilang bangka sa Linapacan habang hinihintay na makapagbayad ng kaukulang multa.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry