- Advertisement by Google -

Nanawagan ang Commando Brotherhood na huwag silang husgahan dahil sa pangit nilang nakaraan, kasabay ng pagtatapos ng nasa 38 na miyembro nila sa Security Services NC II training na ipinagkaloob ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Brooke’s Point kamakailan.

Ang panawagan ay ginawa ng dalawang miyembro ng Commando Brotherhood na si retired jail inspector August Maceda at Rodel Arambala noong July 19 sa pagtatapos ng Masigasig Class 15-2022 sa Octagon Town Plaza ng nasabing bayan.

Ayon sa kanila, makabuluhan at maganda ang layunin ng kanilang samahan, ngunit aminado rin na may ilan sa kanila ang mga nasangkot noon sa mga balita.

“Alam naman natin na ang tingin ng iba sa Commando Brotherhood ay pangit dahil marahil sa mga balita noon na nambubugbog ng asawa at iba pa, pero wag sana nating tingnan ang aming samahan sa hindi magandang paraan dahil taliwas sa masamang tingin, maganda po ang layunin ng aming samahan,” pahayag ni Maceda.

- Advertisement -

“Isang patunay dito ay marami na kaming napatapos sa mga TESDA training na kina conduct namin, which is hindi lang miyembro ng Commando ang nakikinabang kundi pati mga ilan nating kababayan,” dagdag pa ni Maceda.

Dahil sa binitiwan na mensahe ni Maceda, nagpahayag naman si Oscar Espinas ng TESDA Assessors ng suporta sa mga kasapi ng Commando Brotherhood. Sinabi niya na malaki ang maitutulong ng kanilang training para baguhin ang kanilang imahe at makapasok sa trabaho.

Dagdag pa niya, agad niyang irerekomenda ang mga nagsipagtapos na makakuha ng kanilang lisensiya sakali man na mayroong mga ahensiya ang maghahanap ng serbisyo ng isang security guard sa kanilang opisina.

“Sa mga nagtapos, in case na may mga kompanya na maghanap ng security sa aming ahensiya ay puwede namin kayong irecommend para madali kayong makapagtrabaho kapag may license na kayo,” pahayag ni Espinas.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articlePPCWD announces water supply interruption Tuesday evening
Next articleMayor Cervantes ng Busuanga, nanawagan sa mga barangay na maging matipid
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.