Nananawagan ang Commission on Elections (COMELEC) sa bayan ng Sofronio Española na humabol ang mga hindi pa nakapagpaparehistro sa kanilang opisina sa huling araw ng voters registration ngayong araw, Enero 31.

Ayon kay Maria Lourdes Carolasan, election assistant II, tatanggapin nila ang aplikasyon hanggang alas singko ng hapon.

Tiyakin din aniyang may dalang mga pagkakilalanlan o identification card upang mas mabilis na maiproseso ang rehistrastyon.

Maliban sa kanilang opisina ay Isinagawa rin ng kanilang opisina mayroon ding isinasagawang satellite registrations sa 9 na barangay mula Pulot Center hanggang Abo-abo.

“Please, pumunta sa huling araw ng registration simula 8 a.m., upang maiwasan ang siksikan kapag sa hapon pa dadagsa, isinagawa rin namin ang mga barangay satellite registrations namin simula January 7.” Maria Lourdes Carolasan.

Samantala, nakatakdang isagawa ang Election Registration Board (ERB Hearing) sa Pebrero 20 para aprobahan ang mga aplikante na nagparehistro.

May kabuuang 22,675 total voters ang bayan na ito batay sa May 2022 National and Local Election nitong nakalipas na botohan.

About Post Author

Previous articleCity PNP patuloy na kinikilala ang kalansay ng tao na natagpuan sa Brgy Sta. Lourdes
Next articleTulong sa mga senior citizen, umabot sa mahigit P20M
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.