Kabuuang 426 na mga kandidato ang naghain ng kanilang mga certificate of candidacy (COC) sa bayan ng Sofronio Española sa katatapos lamang na filing noong August 28 hanggang September 2 para sa nalalapit na BSKE sa October 30.

Sa tala ng Commission on Elections (Comelec), 34 ang naghain ng kanilang kandidatura para sa pagka kapitan, 233 para sa Barangay Kagawad, 35 para sa SK Chairman at 124 para sa SK Councilors.

Ayon kay Election Officer Maria Lourdes Carolasan, naging tahimik at payapa ang pitong araw na paghahain ng COC sa kanilang opisina.

Samantala, ngayong ikatlong linggo ng buwan ay patuloy na inihahanda ng kanilang opisina ang talaan naman ng mga guro kabilang ang mga training para sa mga ito na siyang mag-si-serve sa loob ng 9 na barangay para isagawa ang eleksyon.

“Naghahanda para sa nalalapit na training namin at para maihanda din ang mga gurong magsi-serve sa darating na BSKE natin sa bayan ng Sofronio Española,” sabi ni Carolasan.

Mayroong 24, 387 na rehistradong botante ang inaasahang makikiisa sa darating na eleksyon.