(PN File)
- Advertisement by Google -

Nakahanda na ang tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa bayan ng Sofronio Española para sa muling pagbubukas ng rehistrasyon na nakatakda sa Hulyo 4-23 kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa darating na Disyembre 5 ngayong taon.

Ayon kay Maria Lourdes Carolasan, election assistant II, kabilang sa pinaghahandaan ng kanyang tanggapan ang mahigpit na pagpapatupad ng mga protocols kaugnay sa COVID-19, kabilang ang pagsuot ng face mask at pagkakaroon ng social distancing sa pila.

Dagdag niya, maglalaan din ng special lane para sa mga senior citizens na magpapa-update ng kanilang mga voters record.

Para sa mga bago pa lamang magpaparehistro sa SK kailangan lamang na magdala ng Birth Certificate, at kahit anong valid identification cards naman sa mga magpaparehistro para sa barangay election.

- Advertisement -

Ayon pa kay Carolasan, hindi naman maghihigpit sa pagtanggap ng registration para sa mga indigenous peoples (IPs) na aniya ay maaring magdala ng kasama para tumulong mag fill-up ng voters’ registration form sa mga hindi marunong bumasa at sumulat.

“Sa mga IPs, kailangan lang na i-update ang registration records nila para sa annotation ng sector na kinabibilangan nila, ganon din sa mga senior citizens natin,” paliwanag ni Carolasan.

Kabilang sa tatanggapin sa nakatakdang registration ang voter’s reactivation, transfer of registration, change and correction of entries.

Ang tanggapan ng COMELEC Sofronio Española ay magbubukas simula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon mula araw ng Lunes hanggang Sabado para sa voter registration alinsunod sa COMELEC Resolution 10798 na pinagtibay noong Hunyo 22 taong kasalukuyan.

Batay sa nakalipas na 2022 National and Local Election noong Mayo 9, mang bayan ng Sofronio Española ay may kabuuang bilang na 22, 675 rehistradong botante.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleExpert sees China continuing its harassment activities in the West Philippine Sea under new administration
Next articleCanadian tourists stranded in Cadlao Island, El Nido rescued
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.