SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Tatlong linggo bago sumapit ang deadline ng registration of voters ay patuloy na nanawagan sa mga residente ang Commission On Elections ng bayang ito na magparehistro para sa 2022 local and national elections.

Simula ngayong araw ng Lunes, September 6, balik na sa “on site registration” o sa mismog tanggapan ng Municipal Election Officer isasagawa ang voter registration dahil natapos na ang isinagawang mobile registration sa siyam na barangay na nagsimula noong July 3 at nagtapos noong araw ng Sabado, September 4.

Ayon kay Assistant Election Officer II Maria Lourdes Carolasan, nasa mahigit 1,000 botante ang kanilang naitala sa isinagawang mobile voter’s registration.

“Patuloy ang panawagan natin sa lahat na magparehistro. On-site na po kami, balik na dito sa opisina, monday to saturday until September 30,” pahayag ni Carolasan.

“Magdala lamang po ng valid I.D. Sa mga indigents naman, hindi na po natin hinahanap yon, alam naman natin na ang mga katutubo ay halos walang valid identification,” dagdag niya.

Dagdag niya pa, nakatakdang isagawa ng Elections Registration Board (ERB) ang hearing ng kanilang opisina para sa “approval and disapproval” ng mga voter’s applications sa darating na October 18-19.

Ang bayan ng Sofronio Española ay mayroong humigit-kumulang 17,000 registered voters noong nagdaang 2019 local elections.

About Post Author

Previous articlePala’wan IPs benefit from road dev’t in Bataraza
Next articleHome at Kultura
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.