Ang mga awtoridad sa Sofronio Española habang nagpapatupad ng gun ban checkpoint, (Larawan mula sa MPS Española)

Hiniling ni Alpha Sobrepeña, municipal election officer ng bayan ng Sofronio Española, na makipagtulungan ang mga sasakyang maaaring parahin ng operatiba ng Municipal Police Station (MPS) sa mga checkpoint sa pagsisimula ng pagpapatupad ng nationwide gun ban, araw ng Linggo, Enero 9.

Ang pagpapatupad ng gun ban ay bilang bahagi ng election period kaugnay ng nakatakdang May 9 national and local elections.

Ayon kay Sobrepeña, ito ay bilang pagsunod sa Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 10728, na nagsasaad na “all of the Permits to Carry Firearms Outside of Residence issued to licensed gun holders, juridical entities, and members of law enforcement agencies have been suspended from January 9 to June 8, 2022”.

Sa unang araw ng pagpapatupad ng gun ban, agad na nakipagpulong ang COMELEC sa opisina ni P/Maj. Romerico Remo, acting chief of police, para sa paglalagay ng checkpoint.

“Sumunod lang tayo dahil upang maging payapa ang pagpasok ng National and Local Election sa buwan ng Mayo,” pahayag ni Sobrepeña.

Dagdag niya, igalang ang gagawing checkpoint ng pulisya upang hindi maantala ang biyahe palabas o papasok sa Sofronio Española.

“Sumunod tayo, huwag mainit ang ulo. Natural lang na i-check kayo dahil nasa ilalim na tayo ngayon ng gun ban period sa buong bansa, hindi lang sa ating bayan,” dagdag niya.

Samantala, nauna nang naglabas ng pahayag si PNP spokesperson Col. Roderick Alba na magiging mahigpit ang pagpapatupad ng gun ban sa mga checkpoint sa ibat-ibang bahagi ng bansa para maging payapa ang halalan.

“Effective at midnight (12 am, January 9), the PNP will conduct checkpoint operations in strategic locations to strictly implement the nationwide prohibition on the carrying of firearms by unauthorized individuals until June 8, in connection with the 2022 national and local elections on May 9,” pahayag ni Alba.

About Post Author

Previous article200 empleyado pumirma ng bagong kontrata sa pamahalaang bayan ng Rizal
Next articlePOPCOM lauds signing of anti-child marriage law
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.