Photo from Comelec Sofronio Española.

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Sofronio Española ang lahat ng kandidato sa bayan para sa darating na May 9 national and local elections (NLE) na sumunod sa patakaran ng tamang paglalagay ng campaign materials sa itinakdang common poster area, matapos ang isinagawang Oplan Baklas noong araw ng Lunes, Abril 11.

Ayon kay Maria Lourdes Carolasan, Election Assistant II ng Sofronio Española, marami ang kanilang tinanggal na campaign materials sa lahat ng barangay, kaalinsabay ng isinagawang region-wide Oplan Baklas ng COMELEC katuwang ang Española Municipal Police Station (MPS).

“Ang mga campaign materials na di nasunod ang Section 29 ng COMELEC Resolution 10730 ay aming tinanggal at confiscated ito lahat,” pahayag ni Carolasan.

Dagdag niya, bago pa man isinagawa ang Oplan Baklas ay nagpadala rin sila nang abiso kung saan ang common posting areas na maaaring maglagay ng posters ang mga kandidato sa pagsisimula ng pangangampanya noong Marso 25.

Kabilang sa mga tinanggal ang mga poster na nasa national highway, ikinabit sa mga punong kahoy, at maging ang mga poster na lumagpas sa itinakdang sukat ng COMELEC.

Ayon sa COMELEC, ang mga common poster areas kung saan maaring maglagay ng campaign materials ang mga kandidato ay sa mga plaza ng bawat barangay at sa munisipyo. Maliban naman sa itinakdang common poster areas ay pinapayagan ang paglalagay ng poster sa loob ng bakuran ng bahay ngunit kakailangan ang pagpayag may-ari.

Samantala, panawagan din ng COMELEC-Española sa mga kandidato na panatilihin ang malinis na pagsasagawa ng pangangampanya hanggang sa itinakdang araw nito at maging sa darating na halalan sa Mayo 9.

Previous articleFisherman accused of rape arrested in Puerto Princesa
Next articlePublic reminded to observe minimum health standards during Holy Week
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.