Patuloy ang satellite voters registration sa mga barangay ng Bataraza

Nagpapatuloy ang isinasagawang satellite voter registration sa 17 barangay sa bayan ng Bataraza matapos na maisagawa ito sa unang pitong barangay.

Ayon kay Phoebe Narrazid, Election Officer ng Bataraza, ang naunang pitong barangay na natapos na ay ang Tabod, Tagulango, Buliluyan, Poring, Sapa, Malitob at Tagnato.

“Ang natitirang barangay ay tutunguhin natin para ipagpapatuloy ang satellite registration ngayong Hulyo, Agosto at sa Setyembre bago ang registration deadline natin sa September 30,” pahayag ni Narrazid.

Ang satellite registration sa mga barangay ay isinasagawa tuwing araw ng Biyernes at Sabado habang ang Lunes hanggang Huwebes naman ang regular na registration sa tanggapan ng Election Officer.

- Advertisement -

“Asahan natin na bago ang deadline, tapos na po tayo sa 17 barangay. Pagkatapos niyan ay sa October 19 ay ang huling Election Regulatory Board (ERB) hearing para malaman po natin kung ilan ang naidagdag na bagong botante sa Bataraza,” paliwanag ni Narrazid.

Pinaalalahanan din niya ang mga nais magparehiatro sa kanilang opisina na magdala ng anumang uri ng pagkakilanlan o valid ID, magsuot ng face mask at face shield bilang bahagi ng minimum health protocols laban sa banta ng COVID-19.

“Sa mga indigent naman o katutubo, hindi na tayo nagre-require ng valid ID. Alam naman natin na limited sila o walang ganyan. Basta mag-fill up lang ng certificate of identification sa maaring nakakakilala sa kanila ay pwede nang magp-rehistro,” dagdag niya.

Ang Bataraza ang may pinakamalaking bilang ng rehistradong botante sa lalawigan ng Palawan. Noong 2019 elections, ito ay may kabuuang bilang na 48,356 rehistradong botante.

Previous articlePrograma sa pagtatanim at pangangalaga ng bakawan sa Rizal, inilunsad
Next article55 new Delta variant cases raise total to 119; 103 recovered
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.