Naglabas ng panuntunan ang municipal election office ng bayan ng Bataraza kaugnay sa nalalapit na pagdaraos ng plebisito para sa panukalang paghahati ng Palawan sa tatlong lalawigan kung saan kailangang i-fill-up ang COVID-19 health declaration form ng isang botante bago ito payagang pumasok sa kanyang presinto para bumoto sa Marso 13.

Sa pahayag ni Bataraza municipal election officer Phoebe Narrazid nitong Martes, Marso 2, ang pag-fill-up sa health declaration form ay isa sa inirekomenda ng kanyang opisina sa Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) bilang pagtalima sa health and safety protocols kaugnay sa COVID-19.

“Sa form na iyan, kailangan nilang sagutin ang lahat ng tanong na ilalagay natin kabilang halimbawa kung nakaramdam ka ba ng sinat o lagnat,may travel history ka o ano mang mga di kaaya-ayang nararamdaman. Iyan ang purpose ng form natin,” pahayag ni Narraziid.

Bukod sa pag-fill-up ng health declaration form ay kasabay din sa mahigpit na ipapatupad ng COMELEC sa 33 voting centers ng Bataraza ang pagsusuot ng face mask at lahat ng papasok ay kailangang dumaan sa thermal scanning upang maitala ang temperatura.

“Sa ating bayan, we have almost 48,000 voters. They need to fill up our form and declare kung ano ang kalagayan nila sa pangkalusugan,” dagdag niya.

Samantala, nakahanda na rin ang mga isolation polling place sa 33 voting centers sa bayang ito na ilalagay ng comelec sa mismong araw ng botohan kung saan dito pabobotohin ang mga botanteng makikitaang mas mataas sa 37.4 ang temperatura.

About Post Author

Previous articleLalaking wanted dahil sa kasong child sexual abuse, arestado sa Puerto Princesa
Next articleTanauan, Batangas’ most wanted person arrested in Puerto Princesa City
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.