Ā
Binigyan ng tig-isang mga combine harvester ang bawat munisipyo sa bahaging Sur ng lalawigan noong ika 16 ng Setyembre.
Ayon kay Provincial Agriculturist Romeo Cabungcal, ang mga nasabing farm machineries ay ibinigay ng Department of Agriculture (DA) upang matulungan ang sektor ng pasasaka at magkaroon ng suporta sa mga magsasaka at mga kooperatiba.
Ang pagbibigay ng farm machineries ay ipinagkaloob sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund RCEF) mechanization program ng nasabing ahensya sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng Palawan.
Nakatanggap ang bayan ng Narra, Quezon, Rizal, Aborlan at Sofronio EspaƱola.
“Layunin nitong matulungan ang ating mga farmer associations na may magamit silang katulad nitong mga machinery, halos lahat ng munisipyo magkakaroon pero now ito pa lang ang naturn-over natin,”sabi ni Cabungcal.
“Katuwang natin sa turnover ang Philippine Center for Postharvest and Development Mechanization(PhilMech)para sa ganitong klaseng programa sa mga farmers,”dagdag niya.