Ang ilang mga coconut farmers mula sa mga bayan ng Bataraza, Quezon, at Rizal na nakatanggap ng insentibo mula sa Philippine Coconut Authority (PCA)

Umabot sa 109 coconut farmers mula sa mga bayan ng Bataraza, Quezon, at Rizal ang nakatanggap ng insentibo mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) noong araw ng Biyernes, Hulyo 9.

Ang nasabing insentibo na may kabuuang halagang P623,480 ay ipinamahagi ng PCA-Palawan sa pangunguna ni acting Division I Chief Arlo Solano, katuwang ang mga Municipal Agriculture Office (MAO) sa ilalim ng Incentivized Coconut Planting Project (ICPP).

Ayon kay Solano, sa ilalim ng programa ay ay babayaran ng P45 ang mga magsasaka sa bawat coconut seedling na itatanim sa kanilang lupain.

“0.5 to 1 hectares ang kanilang pwedeng pagtamnan. Kapag lumaki na ito, babayaran na ito ng PCA,” pahayag ni Solano nitong Lunes, Hulyo 12.

Dagdag niya, may mga nauna nang magsasaka ng niyog sa iba pang munisipyo ng lalawigan ng Palawan ang nabayaran na ng PCA sa ilalim ng ICPR ngayong taong 2021 na naging malaking tulong upang mapataas ang antas ng pagniniyog sa lalawigan.

Maliban dito, patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan para sa pagpapatala ng mga coconut farmers sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS).

Ani Solano, mahalagang mairehistro ang mga coconut farmers sa NCFRS upang mapabilang ang mga ito sa mga programa ng PCA para sa pagpapataas pa ng kalikad ng pagsasaka ng niyog at makakuha ng insentibo sa PCA at sa mga programang ipinatutupad din ng Department of Agriculture (DA).

About Post Author

Previous articlePhilSys Step 2 aims to register 700,000 Palawan population for national ID
Next articleFun and fashion at The SM Store big clearance sale
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.