Coconut farmers mula sa dalawang barangay ng Española nakatanggap ng insentibo mula sa PCA

Ang mga coconut farmers sa Pulot Interior at Labog na tumanggap ng insentibo mula sa PCA noong June 18. | Larawan mula sa PCA Palawan Facebook page.

Umabot sa 106 coconut farmers mula sa dalawang barangay sa bayan ng Sofronio Española ang nakatanggap ng insentibo mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) noong araw ng Biyernes, Hunyo 18.

Ang mga nakatanggap ng insentibo ay kinabibilangan ng 46 coconut farmers mula sa Brgy. Labog at 60 naman mula sa Brgy. Pulot Interior.

Ang mga coconut farmers sa Pulot Interior at Labog na tumanggap ng insentibo mula sa PCA noong June 18. | Larawan mula sa PCA Palawan Facebook page.

Ang insentibo na may kabuuang mahigit P606,320 ay ipinamahagi ni PCA-Palawan Acting Division I Chief Arlo Solano sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng bayan.

Ito ay bilang kabayaran ng PCA sa mga magniniyog mula sa kanilang pondo sa ilalim ng programang Incentivized Coco Planting and Replanting Project (ICP RP) kung saan nagtanim ang mga ito ng mga coconut seedlings mula sa PCA sa kanilang mga pag-aaring lupa at babayaran ito kapag lumaki.

“Ang qualified diyan ay ang mg may lupaing umaabot ng 0.5 to 1 hectare at tataniman nila ito ng niyog sa ilalim ng programa natin. P45 per seedling ang babayaran natin sa kanila, 2020 implementation pa po ito at ngayon lang ito nabayaran,” paliwanag ni Solano.

Dagdag pa niya, ang programang ito ay humihikayat din sa mga coconut farmers na magtanim ng niyog sa kanilang mga bakanteng lupa upang maging income generating.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang massive registration para sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS) sa tulong ng MAO, upang makalahok ang mga magsasaka ng niyog sa bayang ito sa ibat-ibang programa ng PCA.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry