Ang mga barangay officials, BHW at mga residente sa Panacan II, Narra na sama-samang naglinis sa dalampasigan (Larawan mula sa Panacan II facebook page)

Isang coastal clean-up ang isinagawa sa baybayin ng Panacan 2 sa Narra noong Sabado, Pebrero 26, ng mga opisyal ng barangay, health workers, mga residente, at iba pa.

Pinangunahan ni kapitan Reynaldo dela Rosa ang coastal clean-up katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources (MENRO).

Ayon kay Dela Rosa, ang mga basura sa gilid ng baybayin, katulad ng mga plastic bottles, wrappers, at iba pang mga marine debris ay dapat buwanang nakokolekta upang hindi maging dahilan ng polusyon sa karagatan na puwedeng makaapekto sa isda at iba pang yamang-dagat.

Dagdag ni Dela Rosa, mas mainam din na mabigyan lagi ng mga kaalaman ang komunidad sa pangangalaga sa dalampasigan dahil malaki ang responsibilidad ng tao sa kalikasan.

- Advertisement -

“Ito ay upang ipakita namin sa aming mga kabarangay kung paano namin mahalin at ingatan ang ating karagatan, ang pangingisda ang pangunahing hanap-buhay ng aking mga kabarangay. [Gusto ko rin din na ipakita sa] aking mga kabarangay na nagsisimula sa amin sa council kung paano mahalin at ingatan ang ating karagatan at kalikasan,” ayon sa kanyang pahayag.

Aniya, isa rin sa malaki ang ginagampanan sa komunidad ng Panacan 2 sa pagbibigay ng proteksyon sa katala o Philippine cockatoo sa Rasa Island na sakop ng kanilang barangay.

Previous articlePag-release ng ID na mali ang nakalagay na pangalan, hindi dapat gawin ayon sa MLGOO ng Roxas
Next articleP85,000 halaga ng Ipil lumber nasabat ng 2nd SOU-MG sa lungsod ng Puerto Princesa
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.