Patuloy na kinikilala ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Station 2 (PS 2) ang mga buti ng tao na natagpuan sa Purok Matahimik, Brgy Sta. Lourdes, bandang 11:30 ng umaga ng Lunes, January 30.

Ayon sa report ng pulisya, dinala na ang mga natagpuang buto sa crime laboratory sa Camp Crame para sa ilang mga pagsusuri.

Inisyal na ibinahagi ng mga tauhan ng PS 2 na isang babae ang nakakita sa mga buto sa masukal na bahagi ng lugar habang ito ay nangunguha ng kugon.

Agad niya itong ipinagbigay alam sa mga opisyal ng barangay na siya namang tumawag sa mga pulis.

Nagpadala ng mga tauhan ang PS 2 sa lugar kung saan nakumpirma na mga buto ito ng tao.

About Post Author

Previous articlePCG rescues distressed passenger boat off Balabac island
Next articleCOMELEC-Sofronio EspaƱola, nanawagan sa mga hindi pa nakapagparehistro na humabol sa deadline
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.