(Photo from Puerto Princesa City Police Office FB page)

Nasa 47 na operasyon kontra kriminalidad ang naitala ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) para sa buwan ng Setyembre ngayong taon.

Lima dito ay laban sa ilegal na droga kung saan 7 ang naaresto. Limang operasyon naman ang isinagawa laban sa ilegal na pagsusugal kung saan 22 na indibidwal ang nakasuhan.

Anim na “most wanted”, habang 16 na mga “wanted” personalities na may mga kasong rape at murder ang naaresto ng mga pulis,

Aabot sa 15 naman ang kusang nagsuko ng kanilang mga baril para naman sa “sake keeping” kaugnay ng Oplan Katok ng PNP.

“Life is beautiful. Tayo po ay magtulungan! Kapulisan Simbahan at Mamamayan. ”Makakaasa po kayo na kami ay patuloy na aaksyon at responde sa inyong mga hinaing kahit anong oras,” pahayag ni PPCPO Acting City Director, PCOL Roberto Bucad.

Ayon sa PPCPO, ibinahagi nila ang kanilang accomplishments upang ipaalam sa mga taga-Puerto Princesa na patuloy nilang pinapaigting ang kanilang kampanya laban sa mga ilegal na gawain at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng Lungsod.

About Post Author

Previous articleQualified city gov’t employees to get performance-based bonus
Next articleUnnamed local DepEd official accused of extortion in social media
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.