Pinag iingat ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang mga motorista na umiwas na sa pagmamaneho kapag nakainom ng alak lalo na ngayong panahon kung kailan sunod sunod ang mga handaan at Christmas party.

Umabot na kasi sa pito ang bilang ng mga aksidenteng may kaugnayan sa pagmamaneho ng lasing ngayong December. Mas mataas ito kung ikukumpara sa nakalipas na taon na walang naitalang kahit anong disgrasya sa kaparehong buwan.

Sa talaan ng PPCPO, dalawa ang nasawi, dalawa ang matinding napinsala, at tatlo naman ang nagresulta sa pagkasira ng ari-arian o damage to property.

Ayon kay PPCPO spokesperson P/Lt. Col. Mark Allen Palacio, mas maluwag ang restrictions ngayon at normal na ang sitwasyon matapos ang dalawang taon sa ilalim ng pandemya.

“First, since pandemic nakalabas na ang tao ngayon, impluwensya ng alak lalo pa sa ngayon na sunod sunod ang selebrasyon dahil magpapasko, at driver’s error,” pahayag ni Palacio.

Ilan sa mga disgrasyang naitala ay ang banggaan ng motorsiklo at van sa Brgy. Macarascas noong December 18 kung saan patay ang driver ng motorsiklo at ang menor de edad nitong angkas.

December 10 din, nang nagtamo ng pinsala ang 9 na sakay ng isang jeep, maging ang apat na sakay ng kotse na nakabanggaan nito sa Brgy. Iwahig.

About Post Author

Previous articleBangkang pangisda nasabat na nanghuhuli ng galunggong sa gitna ng pagpapatupad ng closed season
Next articleP260k halaga ng smuggled cigarettes, nakumpiska sa Roxas
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.