- Advertisement by Google -

Sa bagong update sa Jovelyn Galleno missing person case ay kinumpirma ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) na sumakay ito sa isang puting multicab papuntang Barangay Sta. Lourdes, bandang 6:56 ng hapon, noong August 5 kung kailan ito unang napabalitang nawawala.

Sa isang pahayag na inilabas ng PPCPO ngayong araw, August 16, ay bumuo na umano ang opisina ng Special Investigating Task Group (SITG) na patuloy na mag-iimbestiga sa missing person case.

Isa sa mga nakita ng SITG sa kanilang pagre-review ng mga nakalap nilang CCTV footages ay ang pagsakay ni Galleno sa multicab. Ipinakita ito sa kanyang mga kaanak na kinumpirma rin na siya ang nasa footage.

Samantala, sa panayam ng Palawan News ay pinahayag din ni P/Cpt. Maria Victoria Iquin na hawak na nila ang pagkakakilanlan ng driver, maging ang plate number ng nasabing multicab.

- Advertisement -

“Identified na ang plate at driver–ang hinahanap na lang namin ang footage ay kung saan bumaba si Jovelyn para malaman kong naibaba ba ito sa Sta. Lourdes o hindi,” pahayag nito.

Sa patuloy na imbestigasyon at pagtatag ng task group, susuyurin na rin ng mga imbestigador ang cyberspace, kabilang na ang Facebook, Tiktok, Messenger, at iba pang social networking sites, upang patuloy na mangalap ng mga impormasyon na magtuturo sa kinaroroonan ni Galleno.

Patuloy naman na nananawagan ang mga pulis sa mga mamamayan na agad ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na makakapagturo kay Galleno sa pamamagitan ng mga numerong 09778557732, 09271624065, at 09985985906.


ADVERTISEMENT


#AHealingPlace – Drug Test Available at Adventist Hospital Palawan, one the 10 best hospital in the country.

For more inquiries:
0915-068-9604 | 0915-788-8863

#AHealingPlace
#AdventistClinic
#AdventistHospitalPalawan
#AdventistDialysisCenterBrookesPoint

Home of Love, Joy and Happiness

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleWinner Winner, Chicken Dinner: Jollibee Chickenjoy named as ‘Best Chain Fried Chicken in America’
Next articleCOMELEC, sinigurong walang masasayang na pera sakaling ipagpaliban ang BSKE 2022
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.