Photo courtesy of CIDG

Pinagkalooban ng Bataraza municipal government ng opisina sa national government center nito sa Barangay Marangas ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Enero 25 sa pagsisimula ng selebrasyon ng ika-58th anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan.

Ang usufruct agreement para dito ay pinirmahan sa pagitan nina Bataraza mayor Abraham Ibba, CIDG Palawan director P/Maj. Richard John Macachor, at representante ng CIDG regional office noong Martes. Ang kasunduan ay base sa inaprubahan Sangguniang Bayan Resolution No. 47 noong nakalipas na taon.

Photo courtesy of CIDG

Ang usufruct agreement ay pinirmahan upang bigyang karapatan ang CIDG na gamitin ang opisina na pagmamay-ari ng municipal government upang madali nilang maisakatuparan ang kanilang mga gawain at serbisyo para sa mamamayan.

- Advertisement -

“By second week ng February, makakapaglagay na tayo kahit tatlong tao lang muna doon. Kailangan lang namin ng ilang mga gamit pa,” ayon kay Macachor.

“Malaking tulong ‘yung nabigyan tayo ng office doon, kasi target talaga ng CIDG na magkaroon ng mga satellite office sa north at south,” dagdag pa niya.

Ayon kay Macachor, matagal na silang humihiling na sila ay mabigyan ng tanggapan sa mga munisipyo para madali nilang magagawa ang kanilang tungkulin, lalo na kapag ito ay may kinalaman sa mga operasyon.

Previous articleFarmers association sa Busuanga nakatanggap ng tractor mula sa MAO
Next articleLocal PAGASA says rainfall experienced Wednesday night is 267% above normal
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.