Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang 34 taong gulang na Chinese national sa causeway ng Patricia Louise Mining Port sa Brgy. Bato-Bato sa bayan ng Narra, alas sais ng umaga kanina, January 13.

Kinilala ang biktima na si Xu Yongsheng, electrician ng DMCI Power Corporation sa bayan ng Narra.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Narra Municipal Police Station (MPS), nakita ang bangkay nito matapos maglakad-lakad sa tabing dagat bandang alas syete kagabi, January 12, kasama ang katrabaho nitong kinilalang si Mr. Zhang.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang impormasyon kung ano ang ganap na nangyari at bakit ito makikita sa dalampasigan.

Ayon kay Mr. Zhang, sumakit ang kanyang tiyan kaya bumalik siya sa kanilang staff house samantalang naiwan naman si Yongsheng sa tabing dagat.

Pagbalik ni Mr. Zhang ay nawawala na si Yongsheng na natagpuan kanina 50 metro lang ang layo mula sa seaport.

Kasalukuyan nasa isang punerarya sa bayan ng Narra ang labi ng biktima habang naghihintay ng post-mortem examination ng Municipal Health Office (MHO) ng nasabing bayan.

About Post Author

Previous articleWanted ipinagtanggol ng kasama laban sa mga pulis, nahulihan ng shabu
Next articleArzaga steps down as PALECO board chair
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.