Nagbabalak ka bang magbakasyon pero hindi mo alam kung papaano ka magpapaalam sa iyong boss? Pwede mo bang gamitin ang sick leave sa bakasyon? May sagot diyan si Atty. Chel Diokno!

Sa kanyang Official Tiktok Page, sinabi ng kilalang human rights lawyer at guro ng abogasiya na hindi naman nakalagay sa batas ang pagkakaroon ng sick leave.

Ayon kay Diokno, base sa Labor Code, ang isang empleyado na nakapagtrabaho sa loob ng isang taon ay mayroong ‘Service Incentive Leave’ (SIL) na 5 araw.

“Ibig sabihin required kayong bigyan ng 5 days with pay na leave na malaya kayong gamitin kung paano ninyo gugustuhin kasama na ang bakasyon,” saad ni Diokno.

Ngunit kung ang iyong kompanya o s iyong pinirmahang kontrata ay maari kang mag-sick leave, payo ni Diokno na dapat ito ay gamitin sa tama.

“Dapat maging honest sa pag gamit nito at siyempre, sumunod sa reasonable company rules and regulations,” dagdag nito.

About Post Author

Previous articleHagedorn pushes for establishment of more courts in Palawan
Next articlePuerto Princesa maintains zero rabies case