Larawan mula sa PSWDO

Tumanggap ng P10,000 na cash incentive mula sa pamahalaang panlalawigan ang 102 taong gulang na si Lola Pacita Urayan ng Brgy. Guadalupe sa bayan ng Coron nitong nakalipas na Marso 27. 

Ang nasabing tulong pinansyal ay personal na ipinagkaloob kay lola Pacita sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Coron sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Ang pagkakaloob ng insentibo sa mga centenarian ay sa ilalim ng Aid to Senior Citizens Program ng PSWDO kung saan maliban sa pagkakaloob ng nasabing insentibo, ang bawat centenarian sa lalawigan ay pinagkakalooban din ng tig P2,000 kada taon sa tuwing sasapit ang kanilang kaarawan.

Ang naturang insentibo na ipinagkakaloob ng Provincial Government sa pangunguna ni Gob. V. Dennis M. Socrates ay maliban pa sa P100,000.00 na ibinibigay ng Pamahalaang Nasyunal sa pamamagitan ng DSWD sa bawat kwalipikadong centenarian sa bansa sa ilalim ng Republic Act 10868 “An Act Honoring and Granting Additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarians, and for other Purposes.”

About Post Author

Previous articleCoron drug bust nets six
Next articleTulfo wants punishment for rude gov’t employees