Binuksan sa publiko ang kauna-unahang Cashew Eco-Park sa lungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ng Department of Agriculture-Palawan Research and Experiment Station (DA-PRES) noong Disyembre 22.

Isa ito sa tampok na aktibidad sa ginanap na pagdiriwang para sa ika 69th taon ng pagkakatatag ng DA-PRES.

“Ang probinsya ng Palawan ay kilala bilang Cashew Capital of the Philippines. Ang pagtatayo ng DA-PRES Cashew Eco-Park sa DA-PRES compound sa Barangay Sta. Monica ay isa sa pagturing sa kasoy bilang priority or identity crop ng Palawan,” pahayag ng DA-PRES.

“Nag-aalok ito ng bagong destinasyon sa mga lokal at internasyonal na turista na malapit lamang sa kabayanan ng Lungsod ng Puerto Princesa. Kaya madali itong puntahan. Maari rin itong makatulong at magbigay inspirasyon sa mga mag-aaral at propesyonal na nagnanais matuto o magsaliksik tungkol sa kasoy at mga kaugnay nito.Sa muling pagsigla ng turismo, ito ay nagbibigay suporta sa Agro-Eco Tourism ng Palawan,” dagdag nito.

Matatagpuan sa Cashew Eco-Park ang iba’t ibang variety ng kasoy tulad ng Mitra, Recto, Fernandez, Gonzalez, Caliwag at Eleazar, ang anim (6) na promising cultivars na natukoy sa pag-aaral na isinagawa noong 1977 hanggang 1987.

Mayroon ding mga nakalimbag na mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kasoy na maaaring mabasa habang namamasyal sa parke.

Sa ngayon ay mayroong cashew orchard at scion and foundation groves sa pangunahing tanggapan ng DA-PRES sa Sta. Monica, Puerto Puerto Princesa City, sa Palawan Agricultural Center, Irawan Puerto Princesa City (isang pasilidad ng DA-PRES) at sa Abo- Abo Rural Agricultural Center (isa pang pasilidad ng DA-PRES) na matatagpuan sa Sofonio Española.

About Post Author

Previous articleBrooke’s Point council affirms MDRRMC declaration of state of calamity
Next articleBrooke’s Point records largest damage in fishing boats in Palawan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.