Ang cargo employee na si Richard Borinaga, alyas "Bayabas", matapos siyang mahuli dahil sa hinihinalang pagbebenta ng droga noong gabi ng June 1, 2019, sa Brgy. Bagong Pag-asa. (Photo courtesy of Bandera News Palawan)

Isang empleyado ng cargo company ang inaresto ng pulisya noong gabi ng June 1 sa Brgy. Bagong Pag-asa matapos makabili sa kanya ang kanilang asset nang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P20,000.

Kinilala ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o Republic Act 9165 na si Richard Borinaga, alyas “Bayabas”, 38, empleyado ng Meridian Cargo, at residente ng Brgy. San Jose, Taytay, northern Palawan.

Siya ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Puerto Princesa City Police Office-Drug Enforcement Unit (PPCPO-DEU), RDEU, CMFC, Anti-Crime Task Force (ACTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Palawan bandang 7:30 p.m. sa Bagong Pag-asa.

Ayon sa spot report, “newly-identified pusher at user” si Borinaga na naaresto matapos makabili sa kanya ng isang pirasong pakete ng pinaghihinalaang shabu ang police asset na gumamit ng P20,000 na marked money.

Mula sa kanyang pag-iingat ay nakakumpiska pa ng siyam na pirasong pakete at nabawi rin ang marked money.

Previous articleDepEd Palawan all set for school opening
Next articleRape suspect nabbed in Araceli