Inilunsad sa munisipyo ng Sofronio Española ang isang caravan na siyang pinangunahan ng Sto Niño Parish Church at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), araw ng Martes, Pebrero 8.

Ito ay may kaugnayan para sa panawagan na payapang pangangampanya sa pagsisimula ng national campaign period ngayong Pebrero 8 sa buong bahagi ng bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Joseph Cacacha, ito ay isang panawagan ng simbahang katoliko at parokya sa malinis, payapa at tahimik na pangangampanya ng mga tumatakbong politiko para sa May 2022 National and Local election.

- Advertisement -

“Malinis na pangangampanya sa pagsisimula nito, ang panawagan ng ating simbahan na maging maayos ang campaigning period sa buong bansa,” bahagi ng kaniyang imbetasyon sa kaniyang naging homiliya noong linggo, Pebrero 6.

Dumalo sa parada ang mga lider ng simbahan sa mga kapelya sa siyam na barangay, youth ministry, mga parokyano, at mga miyembro ng PPCRV-Sto Niño Parish Church. Tumagal ang parada ng halos nasa tatlumpong minuto na umikot sa loob ng barangay Pulot Center sa bayan na ito.

Panawagan din ng Sto Niño Parish Church na malinis din na pangangampanya sa mga lokal na kandidato na tumatakbo sa Sofronio Española na siyang magsisimula sa Marso 25.

Previous articleSan J Restaurant’s secret to surviving the COVID lockdown
Next articleDOH advises public to renew immunization certificates as QR codes issued before Feb. 7 are now outdated
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.