Fri. Dec 6th, 2019

Calapan, muling nasungkit ang ‘Seal of Good Local Governance Award’

Iginawad ang nasabing parangal na pinangunahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año sa Manila Hotel noong Nobyembre 4.

Tinanggap ni Calapan City Mayor Arnan C. Panaligan ang ikatlong Seal of Good Local Governance (SGLG) kasama sina Vice Mayor Gil G. Ramirez, CA Atty. Adel Abas, mga department heads at program managers na ginanap sa Manila Hotel noong Nobyembre 4. (Larawan mula sa Tatak Calapeño/FB Page)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro — Muling inuwi nina Calapan City Mayor Arnan C. Panaligan at Vice Mayor Gil G. Ramirez ang pinakamataas na parangal na iginagawad sa isang pamahalaang lokal o LGU, ang Seal of Good Local Governance (SGLG) o Tatak ng Mahusay na Pamamahalang Lokal sa ikatlong sunod-sunod na taon.

Iginawad ang nasabing parangal na pinangunahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año sa Manila Hotel noong Nobyembre 4.

Napagtagumpayan ng pamahalaang lungsod ang pitong bahagi ng paglilingkod ng isang lokal na pamahalaan kung saan nakuha nila ang mataas na grado matapos ang isinagawang assessment ng mga opisyales ng DILG ilang buwan na ang nakalipas. Ang mga ito ay ang Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection Programs, Peace and Order, Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Protection and Management and Tourism at ang Culture and Arts.

Dahil ito na ang ikatlong pagkakataon na kanilang nakuha ang SGLG Award kaya kabilang na ang lungsod ng Calapan sa Hall of Fame

Samantala, bukod kina Panaligan at Ramirez, buong pwersa din silang sinuportahan ng mga department heads at program managers na siyang nangangasiwa ng mga tanggapan sa pamahalaang lungsod ng Calapan. Ayon sa alkalde, nakuha ng lungsod ang parangal dahil sa pakikiisa ng mga punong tanggapan at kanilang mga kawani kung kaya taos puso ang kanyang pasasalamat sa kanilang lahat. (DN/PIA-OrMin)

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry