📷A cropped photo from Busuanga Public Information
- Advertisement by Google -

Umabot na sa 56.03 percent ng kabuuang populasyon ng bayan ng Busuanga ang nakatanggap na ng bakuna, base sa COVID-19 Herd Immunity Monitoring data na inilabas ng Municipal Health Office (MHO) ngayong araw ng Lunes.

Base sa nasabing talaan ay 23.97 percent na lang ang kailangang mabakunahan upang maabot ng bayan ang 70-80 percent herd immunity mula sa kabuuang 20,192 kabuuang populasyon.

Sa consolidated data ng MHO, may kabuuang 11,271 na ang fully vaccinated kung saan, 9,225 dito ay adult, habang 2,088 naman ang pediatric population na nasa pagitan ng edad 12-17 taong gulang at 5-11 taong gulang.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Mayor Elizabeth Cervantes sa accomplishment ng MHO.

- Advertisement -

“Nakakatuwa dahil sobra na tayo sa kalahati. Sumusunod ang mga taga-Busuanga sa pagbabakuna at patuloy pa rin ang imbitasyon ng lokal na pamahalaan at MHO sa iba na magpabakuna,” pahayag ni Cervantes.

Samantala, patuloy ang paalala ng pamahalaang lokal ng bayan na patuloy pa ring sumunod sa mga minimum health standard na ipinapatupad kabilang ang pagsuot ng face mask sa mga matataong lugar at paghuhugas araw-araw ng kamay.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleMga magsasaka sa Balabac nakatanggap ng ayuda mula sa DA
Next articleU.S. second gentleman Douglas Emhoff to lead delegation attending BBM’s inauguration
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.