Nagtala ng 53 bagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Busuanga sa huling inilabas na report ng Emergency Operations Center (EOC) nito noong Biyernes, Enero 28.

Ayon sa COVID-19 tracker na inilabas ng EOC Busuanga, 50 sa mga bagong kaso ay local cases at ang tatlo ay imported cases.

Naitala ng Barangay Salvacion ang pinakamataas na aktibong kaso ngayong buwan ng Enero sa bilang na 27, at sinundan naman ito ng 11 mula sa Brgy. Panlaitan; anim mula sa Brgy. Sto NiƱo; lima sa Brgy. Concepcion, dalawa mula sa Sagrada; isa sa Brgy. Bogtong, at isa rin sa Brgy. San Rafael.

Ang iba pang barangay na kinabibilangan naman ng Buluang, Cheey, Maglalambay, New Busuanga, Old Busuanga, Quezon at San Isidro ay nananatiling COVID-free sa kasalukuyan.

Sa kabuuan ay nakapagtala na ng 671 kaso ng COVID-19 ang bayan at siyam dito ang binawian ng buhay.

Ayon kay Mayor Elizabeth Cervantez, patuloy pa rin ang isinasagawang pagbabakuna ng Municipal Health Office (MHO) sa lahat ng barangay upang labanan ang COVID-19.

Dagdag niya, patuloy din ang pagpapatupad ng mga polisiya at health protocols lalo na ngayong isinailalim ang lalawigan ng Palawan sa alert level 3 simula Enero 28 hanggang Pebrero 15.

“Tayo ay patuloy na nag-iingat para sa mga kababayan natin, at kung maaari ay magpabakuna na upang maging ligtas,” pahayag ni Cervantes, Enero 29.

Bilang bahagi pa rin ng pag-iingat ay patuloy na ipinatutupad ng municipal inter-agancy task force ang polisiya na ang lahat ng biyaherong magmumula sa lungsod ng Puerto Princesa at iba pang munisipyo ng lalawigan ay kailangan ng negatibong RT-PCR test result na kinuha sa loob ng 24 oras bago ang takdang biyahe patungo sa bayan.

Previous articleApayao prov’l gov’t magkakaloob ng P100k na donasyon para sa biktima ni Odette sa Palawan
Next articleLalaking suspek sa pagtutulak ng droga sa Palawan, arestado sa lungsod ng Taguig
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.