Ang biktima na nagtamo ng tama sa likod at braso ay kinilalang si Mario Potaga, 47.

Isang lalaki ang sugatan matapos na saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Tungib, Barangay Berong, Quezon, ala una ng madaling araw nitong Linggo, Abril 11.

Ang biktima na nagtamo ng tama sa likod at braso ay kinilalang si Mario Pogata, 47, bulldozer operator ng pamahalaang panlalawigan, at residente ng Brgy. Luzviminda, Puerto Princesa City.

Ayon sa imbestigador ng kaso, si Pogata ay dayo lamang sa Berong. “May project kasi ang province dito sa  Berong, doon siya nagtatrabaho, kaya wala din siyang mga kilala dito maliban sa mga katrabaho niya, at isa nga yung netibo na nag-aya sa kanya at iba pa nilang kasamahan na pumunta sa isang IP wedding doon sa Tungib,” pahayag ng imbestigador ng Quezon Municipal Police Station (MPS) na hindi muna nagpapangalan.

Kasama ang dalawang kaibigan na kinilalang sina alyas “Pogs Capin”, John Eric Dolendres, at iba pang katrabaho ay nag-inuman ang mga ito na inabot ng madaling-araw.

“Pauwi na ang biktima at pasakay na sa kanyang motor ng bigla na lang siyang sinaksak,” dagdag pa ng imbestigador.

- Advertisement -

Nagawa pang sumigaw ng biktima kaya agad naalarma ang kasamahan niya at nadala siya sa pagamutan.
 
Wala namang nakakilala sa suspek dahil na rin sa maraming tao sa lugar, at wala rin umanong nakadiskusyon ang biktima bago nangyari ang pananaksak.

Ang biktima ay kasalukuyan na ngayong nagpapagaling sa isang ospital sa bayan ng Brooke’s Point.

“Inaantay nalang naming na maka-recover ang biktima at baka maituro niya o kilala niya ang sumaksak sa kanya,” pahayag pa ng imbestigador.

Previous articleApat na sabungero, arestado sa iligal na tupada sa Busuanga
Next articleMga mangingisda mula sa Cebu, huli sa municipal waters ng Busuanga
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.